Naghihikaos na Liwanag
Humina ang loob habang ang pakiramdam ay bawas, masayang kahapon ay sa isipan nalang ita-tatak. At sa ngaun, dilim ang bumalot sa kanyang pagkatao na dating rati’y sinasalamin ng luntiang liwanag at kaginahawaan.
Kaylangan mabuhay kahit may kakulangan ang sarili. Tinawag si Bathala at humingi ng payo at pag- unawa, kung paano makakatakas sa dilim na kinalalakhan. Signos ang isinukli sa naghihikahos na hiling, damdamin ay gumaan at malapit ng ngumiti. Boses ng liwanag pilit pinagbigyan, pigura ng kapayapaan sa pakiramdam ang umiral. Pilit na pinapatay ang kalungkutan kasabay ang pagpilit na kumutan ng saya ang naagnas na katawan. Nagpakain ang sarili sa nakaraan at walang tinira, kaya ang kasalukuyan di napaghandaan sa dilim na gumulantang.
Liwanag! kitain mo ako, sa bantayog ako’y naghihikaos. Hinihintay, Tinig, Anino at Kasagutan sana iyong ibigay.









Leave a Reply