Posas ng Kahapon

Inanod ng ligaya ang bawa’t sandali
Habang nilalakbay ng talipandas
Ang daang piniling tahakin
Tadhana’y pilit na gustong bugawin
Ang nakaraang bulag sa kasalukuyan daing.

Hiling niya sa kanyang sarili
Huwag bugawin ang nakaraan tumatak sa isip
Gustong dalhin ang epidemya
Habang gumagalaw sa mundong puno ng tanong at paghihinagpis

Dala-dala ang sarili bitbit sa umaapoy na pag-asa
Parang isang hukay sa katotohanan naganap
Pakiramdam na umu-umi habang nagki-kibkib
Naghihintay sa tamang pagdating ng isang nagpaalam

Lipad isipang sana’y madala
Ang sa dibdib na puno ng pag-ibig at pag-asa
Diwata’y pilit na gustong masilayan
Kahit pilit na impossibleng makamtan

Habang nakaupo sa ilalim ng puno
Isang bulong ang pumasok sa nagpapahingang panahon
“Halika at doon mo makikita ang matagal mo ng hinahanap”
Tinig na matagal na gustong marinig
Umaasa sa ngiti ng isang nakaraan

Talipandas bumangon’t nabuhay sa pananahimik
Nagising na parang isang buwan sa gitna ng dilim
Hinanap, tinanong kung saan nagkukubli
Boses na pilit gustong siyang pasunurin

Hindi alam ang isang patibong nakahain
Talipandas nahulog sa ilalim bunga ng sidhing pagmamadali
Tinamasa ang pait ng kamunduhan
Sa di inaasahang sandali

Binura ang pilit na ililigtas
Ang kahapong minahal at tinamasa
Kasalukuyan bingi sa hinaharap
Nakaraang itinanim sa gitna ng malalim na karagatan

~ by igniz on July 31, 2009.

Leave a Reply