Hiwaga ng Bukas
Dalumpati at saya ang sumalubong sa kanyang pagdating
Binagyo ng ligaya ng pinalipad niya ang sakuna ng bawa’t isa sa amin
Kinuyog ng kanyang liwanag ang kadiliman na umiiral sa paligid
Hanggang Binalot ng liwanag ang dati’y dilim nagmamay-ari
Isang gabi habang siya’y namamasyal
Isang talipandas ang sa kanya’y humingi ng payo
Kung paano mawawala ang kadiliman na nanalaytay kanyang dugo
Tanong nito sa kanya “Bakit nanalaytay sayo ay kadiliman?”
“Lumaki akong ganto” aniyang tugon
“Bakit gusto mong magbago?” tanong ng diwata
“Hindi ko naman hinihiling na tuluyang magbago, pero gusto ko lang humingi ng payo. Sikat kayo sa buong lugar bago ako dumating. Kayo ang nagtanggal ng kadiliman, dito sa lugar”
“Hindi ko mabibigay ang iyong hiling” -sagot ng Diwata
“Dahil di ko kayang gawin pero sapagkat ang problema mo ay kakailanganin pa ng panahon bago mawala ang gusto mo.”
“kahit ano gagawin ko” tugon ng talipandas
Nakinig ang talipandas sa diwata sa bawa’t ipagawa nito sa kanya
Parang agos sa ilog ang bawa’t araw, buwan hanggang maging taon. Hanggang sa…
“Bukas ang huling araw, bukas magaling ka na at pwede ka ng di sumunod sakin” masayang bungad ng diwata
“Pasensiya na, pero pakiramdam ko di pako magaling” malungkot na tugon ng talipandas
Nagsama ang dalawa
Tinuruan ng talipandas ang diwata
Ipinasyal sa mga di pa nadadalaw na lugar
pinakita sa diwata ang sa panaginip lang niya nakikita.
Isang araw nagpaalam ang diwata
Dahil tapos na ang kanyang misyon
Nagpa alam siya sa talipandas
“Paalam at di na tayo ulit magkikita” – sabi ng diwata
“Alam ko naman na ganun ang tadhana natin, pero hanggang sa huli pinagbigyan mo pa din ang aking hiling na makasama ka kahit na alam mo na magaling na ako noon pa” – Positibong sagot ng talipandas
Yumakap ng mahigpit ang diwata sa talipandas
Habang naluluha ito paunti unti itong nawala
Di nagyaon binuksan ng talipandas ang kanyang mga namumugtong mata
Liwanag ay sumilay at kinain ang kanyang ala-ala
Kasabay ang panibagong pagbigay ng isip sa talipandas
Naging isang panaginip ang ngayo’y kanyang dinatnan.









Leave a Reply